Nadagdagan pa ng 31 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (August 4), 2,314 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
883 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,235 ang suspected cases.
78 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 1,329 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nasa 11 naman ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.