Tricycles, e-trikes at pedicabs sa Maynila, pinayagang makapag-operate kahit nakasailalim sa MECQ

By Angellic Jordan August 04, 2020 - 06:04 PM

Pinayagan ng Manila City government na makapag-operate ang mga tricycle, e-trike at pedicab kasabay ng muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Mayor Isko Moreno, alinsunod sa City Ordinance No. 8627, isang pasahero lamang ang papayagang sakay ng tricycle at kailangan parehong nakasuot ng face mask ang drayber at pasahero.

Ibinahagi pa nito na dati siyang pedicab driver bago pumasok sa showbiz at pulitika.

“Kaya sa lahat ng kaanak niyo, maghanap buhay kayo sa tatlong gulong. Mayroon lang akong pakikisuyo: tupdin natin ang panawagan ng IATF. Hangga’t maaari, isang pasahero lang,” pahayag ng alkalde.

Layon aniya nitong makatulong sa mga tricycle, pedicab at e-trike driver dahil libu-libong kabuhayan ang naapektuhan bunsod ng COVID-19 pandemic.

“Let me be clear about this. Para matulungan sa loob ng Maynila ang mga empleyado, lalo na ang mga medical health workers natin na magkaroon ng access sa sasakyan,” ani Moreno.

“(Para na rin) matulungan natin ang ekonomiya at maproteksyunan ang kabuhayan ng mga nahihirapan nating kababayan na silang may mapaghiramunan, mabawasan ang suliranin, at matugunan ang kanilang mga pangangailangan,” dagdag pa nito.

Batay sa anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatagal ang MECQ sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan hanggang August 18, 2020.

TAGS: COVID-19 pandemic, e-trikes operation, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Metro Manila under MECQ, pedicab operation, Radyo Inquirer news, tricycle operation, COVID-19 pandemic, e-trikes operation, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Metro Manila under MECQ, pedicab operation, Radyo Inquirer news, tricycle operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.