Sen. Hontiveros, pinuntirya si OWWA Deputy Dir. Mocha Uson sa fake news

By Jan Escosio August 04, 2020 - 05:11 PM

Binuweltahan ni Senator Risa Hontiveros si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director Mocha Uson sa pagpapakalat ng fake news.

Sa kainitan ng pagdinig sa Senado sa mga anomalya sa Philhealth, nag-post si Uson sa kanyang Mocha Uson Blog Facebook Account at pinasaringan si Hontiveros, na nagsilbing board member ng PhilHealth noong 2014 hanggang 2015.

Sa kanyang buwelta kay Uson, idiniin ni Hontiveros na sinabi na ng Commission on Audit at PhilHealth na walang kinalaman ang senador sa mga alegasyon ng maling paggamit ng pondo ng ahensiya.

“Mag-focus ka sa trabaho mo sa OWWA imbes na magpkalat ng fake news. Kailangan ng tulong ng OFWs pero nagawa mo pang magkalat ng chismis sa isyu na pinabulaanan na ng COA at PhilHealth mismo,” ang patama ni Hontiveros kay Uson.

Dagdag pa nito, “nakalimutan mong 4 years na kayong nakaupo? Sa gitna ng pandemiya chismis pa ang inuna.”

Diin pa ng senadora, dapat managot ang mga dapat managot na taga-PhilHealth at aniya, kailangan talaga ng reporma sa ahensiya.

“Lalo na ngayong may pandemya, hindi pwedeng may mga masasamang taong pinagkakakitaan pa ang krisis na ito,” aniya.

TAGS: fake news, Inquirer News, mocha uson, OWWA Deputy Director Mocha Uson, philhealth, Radyo Inquirer news, Sen. Risa Hontiveros, fake news, Inquirer News, mocha uson, OWWA Deputy Director Mocha Uson, philhealth, Radyo Inquirer news, Sen. Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.