Pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bansa, iminungkahi ni Francis Tolentino
Naniniwala si dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino sa pangangailangan ng pag-i-institutionalize ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Ito aniya ay upang maibaba sa mga lokal na pamahalaan ang mga programa sa pagpapalago ng agriculture sector pati na ang pondo para sa kanila.
Ginawa ni Tolentino ang pahayag sa harap ng lumalalang epekto ng El Niño sa mga magsasaka kung saan malaking bahagi ng bansa ang nakararanas ngayon ng matinding tagtuyot.
Paliwanag ng senatorial aspirant, mahalagang bumalangkas ng batas na magbibigay halaga sa hanay ng mga magbubukid upang masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa hapag kainan ng mga pilipino.
Nagtataka naman si Tolentino kung bakit matagal nang inanunsiyo ng PAG-ASA at ng ibang weather companies sa ibayong dagat ang pagsapit ng naturang climate system subalit tila hindi naman aniya naibaba ng national government sa local level ang information dissemination hinggil dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.