Full powers ng Office of the President gagamitin ng Malakanyang para masiguro na mabibigyan ng benepisyo ang mga health worker
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na gagamitin ang lahat ng kapangyarihan ng Office of the President para masiguro na mabibigyan ng kaukulang benepisyo ang mga health worker na tumutugon sa problema sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan na maisama sa Bayanihan 2 ang benepisyo sa mga health worker.
Binabalangkas pa naman aniya ngayon ang naturang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Tinitiyak ni Roque na hindi na mauulit ang nangyari noon na hindi nabigyan ng tig isang milyong piso ang pamilya ng mga health worker na namatay dahil sa COVID-19 at tig P100,000 sa mga nagkasakit at gumaling.
Ayon kay Roque, agad na inaksyunan noon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang malaman na hindi pa natatanggap ang mga kaukulang benepisyo ng mga health worker.
“Well unang-una po, kinakailangan nga po nating isama iyan sa Bayanihan II at mayroon pa pong pagkakataon kasi hindi pa naman tapos po iyong proceedings sa Bayanihan II diyan po sa Mababang Kapulungan. Kapag iyan po ay naisabatas, the President as Chief Implementer and executioner of the laws, will ensure na maibibigay po iyan sa health workers kagaya noong ginawa niya noong nalaman niya na iyong mga health benefits sa mga nagkasakit nang malala at saka iyong mga namatay ay hindi pa lahat nabibigay,” ayon kay Roque.
Matatandaaang dumulog noon kay Pangulong Duterte ang mga pamilya ng mga namatayan na health worker dahil hindi la naibibigay sa kanila ang ayuda na isinasaad sa Bayanihan Act 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.