Ilang lalawigan sa Luzon uulanin sa susunod na mga oras ayon sa PAGASA
By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2020 - 07:55 AM
Makararanas ng pag-ulan sa ilang mga lalawigan sa Southern at Central Luzon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 7:33 ng umaga ngayong Martes (Aug. 4), katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Bulacan, at Quezon.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Ang mararanasan na malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslide sa bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.