Serbisyo ng Pasig River Ferry limitado para sa medical frontliners at government employees
Limitado para sa medical frontliners at government employees ang serbisyo ng Pasig River Ferry Service (PRFS) simula ngayong araw.
Ayon sa abiso ng MMDA, magbibigay ng libreng-sakay ang Pasig River Ferry para sa sa medical frontliners at government employees ngayong umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Available ang Free ferry rides sa sumusunod na istasyon:
Pinagbuhatan
San Joaquin
Guadalupe
Valenzuela
Lawton
Escolta
Kailangan lamang ipakita ang valid ID para makapag-avail ng libreng sakay mula Lunes hanggang Sabado, alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.