E-Bingo na nag-operate habang GCQ ipinasara ni Mayor Vico Sotto
Ipinasara ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang E-Bingo sa lungsod na makaraang matuklasan na nag-ooperate ito sa kasagsagan ng pag-iral ng general community quarantine.
Ayon kay Sotto batid naman ng naturang kumpanya na bawal pa silang magbukas sa ilalim ng GCQ.
Sa larawan na ibinahagi ni Sotto sa social media, kita pa ang mga kliyente ng E-Bingo na naglalaro sa loob sa establisyimento.
Samantala, ilang stalls din sa Pasig Mega Market ang ipinasara ng lokal na pamahalaan.
Ito ay dahil sa paglabag nila sa minimum health/safety standards.
Apela ng alkalde sa mga nagtitinda, sumunod sa mga patakaran lalo at mataas ang banta ng pagkalat ng virus sa matataong lugar gaya ng palengke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.