MILF, nagsagawa ng repositioning sa ilang bayan sa Mamasapano para bigyang daan ang paghabol ng militar sa BIFF
Nasagawa ng repositioning ang pwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa SPMS box (Salibo, Pagatin, Mamasapano, Shariff Aguak) sa Maguindanao para bigyan ng daan ang pwersa ng militar sa ginagawa nitong operasyon laban sa grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Ayon kay Carlos Sol Jr., chair ng Government’s Ceasefire Committee, ang pagtabi ng MILF ay hindi kalituhan at malagay sa alanganin ang usapang pangkapayapaan.
Umaabot sa anim na libo ang miyembro ng armadong grupong MILF at ang kanilang pamilya ang naninirahan sa tinatawag na SPMS box.
Nagsimulang umatras ang MILF nung nakaraang Sabado matapos na pumasok sa lugar ang militar, at sa ngayon umaabot na sa 55 terorista ang napapatay ng militar kabilang na ang kanilang mga supporters sa pitong araw na opensiba ng pwersa ng gobyerno.
Ayon naman kay Abdullah Macapaar, MILF commander na mas kilala sa Bravo, ang grupong nakakasagupa ng mga militar sa Lanao del Sur ay kinabibilangan ng local na na-recruit sa Islamic State of Syria and Iraq (ISIS).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.