Banat ni Pangulong Duterte sa frontliners, dinepensahan ng Palasyo
Dumipensa ang Palasyo ng Malakanyang sa banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga frontliner na biglang naghanap ng publicity kaysa na dumulog o magreklamo sa Punong Ehekutibo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, marunong namang makinig ang Pangulo.
“Malinaw po ang sinabi ng Presidente, hindi naman kinakailangan na magkaroon ng splash kumbaga. Sana binigyan naman siya ng pagkakataon na masagot ang liham bago sila nagkaroon ng publicity,” pahayag ni Roque.
Una rito, binanatan ng Pangulo ang mga health workers nang mag-ingay sa publiko na pagod na sila sa katutugon sa dami ng pasyente na nagpositibo sa COVID-19.
“Dahil ang naobserbahan natin, talagang nauna pa ang webinar bago doon sa pagtanggap sa liham ng Presidente,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, ang mahalaga ay pinakinggan ng Pangulo ang hinaing ng mga frontliner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.