LGUs, dapat isaayos ang lahat ng serbisyo ngayong balik-MECQ – Sen. Poe
Inihirit ni Senator Grace Poe sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at local government units na kasabay ng pagbabalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ), ilagay na sa ayos ang lahat ng pagbibigay nila ng serbisyo.
Hindi lang aniya sa mamamayan kundi lalo na sa mga manggagawa.
Aniya, dapat ay magkaroon ng shuttle services ang mga manggagawa sa pagpasok at pag-uwi dahil limitado muli ang pampublikong transportasyon.
Umaasa si Poe na aarkila ng mga jeep ang mga pribadong kumpaniya para sa kanilang mga transportasyon.
“The DOTr should find ways to assist public utility vehicle drivers who will not take home any income during the period, and the greater majority of drivers who have yet to get back on the road for over five months now,” aniya.
Dagdag pa nito, ang mga negosyante kung kakayanin ay maaaring magbigay ng allowance sa kanilang mga manggagawa na ‘no work, no pay.’
Apela din nito sa mga mall owner, kung maaari ay huwag muna maningil ng upa sa kanilang mga puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.