Hazard pay para sa mga hukom sa mga first at second level trial courts aprubado na sa committee level sa Kamara
Aprubado na sa House Committee on Ways and Means ang panukala upang mabigyan ng hazard pay ang mga judges sa mga first at second level trial courts.
Sa inaprubahang panukala ng komite ni Albay Rep. Joey Salceda, bibigyan ng 25 porsyentong hazard pay ang mga hukom na katumbas ng kanilang buwanang sahod.
Ang nasabing hazard pay ay kailangan pa ring buwisan pero di sang-ayon dito si Salceda.
Kaya naman isang technical working group ang binuo upang pag-aralan na gawing exempted ito sa pagbubuwis.
Kapag natapos ang pag-aaral ng TWG at naisalang na para sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ang panukala dito na maghahain ng amyenda para dito.
Kapag naging ganap na batas, kukuhanin ang hazard pay ng mga hukom sa pondo ng Judiciary sa ilalim ng General Appropriations Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.