Mga kumpanya ng langis may rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo
By Dona Dominguez-Cargullo August 03, 2020 - 05:59 AM
Magpapatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Martes (Aug. 4).
Ayon sa abiso ng kumpanyang Shell at SeaOil may bawas na 25 centavos sa bawat litro ng gasolina, 15 centavos sa bawat litro ng kerosene at 430 centavos ang bawas sa bawat litro ng diesel.
Ganito rin ang halaga ng rollback ng kumpanyang Petro Gazz sa kanilang diesel at gasolina.
Ang iba pang kumpanya ng langis ay mag-aanunsyo ng parehong halaga ng rollback sa kanilang produkto ngayong maghapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.