Traffic policeman, huli sa kotong sa Zamboanga City
Inaresto ng mga tauhan ng PNP Integrrity Monitoring and Enforcement Group ang isa nilang kabaro sa Zamboanga City dahil sa pangongotong.
Kinilala ni IMEG director Police Brig. Gen. Ronald Lee ang inarestong si Police Staff Sgt. Roberto Francisco, traffic enforcer at nakatalaga sa Police Station 10 ng Zamboanga City Police.
Sinabi ni Lee na marami ng reklamo ng pangongotong kay Francisco at karamihan ay mula sa mga habal-habal drivers.
Kumilos ang mga tauhan ni Lee nang pormal na ireklamo si Francisco ng isang driver na nakumpiskahan ng motorsiklo noon pang Marso 29.
Diumano, humingi ng dalawang panabong ang suspek ngunit walang nakuhang manok ang nagreklamong driver.
Ginawa na lang P3,000 ang hinihingi ni Francisco at naibaba ito sa P1,500 kayat nagreklamo na ang driver.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.