13 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

By Angellic Jordan August 02, 2020 - 04:47 PM

Nadagdagan pa ng 13 ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 2, umakyat na sa 9,569 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 71 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,326 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nanatili naman sa 5,572 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, hindi rin nadagdagan ang bilang ng nasawi kaya 671 pa rin ang mg pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,770 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,111 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 762 naman ang kaso sa Americas at 926 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, DFA monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, DFA monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.