Bagyong #DindoPH, bahagya pang lumakas habang tinatahak ang Southern Ryuku Islands
Bahagya pang lumakas ang Bagyong Dindi habang tinatahak ang Southern Ryuku Islands, ayon sa PAGASA.
Sa severe weather bulletin bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 385 kilometers Northeast ng Basco, Batanes bandang 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sinabi ng PAGASA na walang direktang epekto ang bagyo sa anumang parte ng bansa kung kayat walang nakataas na tropical cyclone wind signal.
Ngunit, patuloy na makararanas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Luzon bunsod ng Southwest Monsoon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Lunes ng umaga, August 3.
Sinabi pa ng weather bureau na maaaring lumakas at maging severe tropical storm ang bagyo sa Lunes ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.