Sen. de Lima, bumuwelta sa DOJ sa hirit niya na piyansa
May hamon si Senator Leila de Lima kay Justice Secretary Menardo Guevarra at sa government prosecutors ukol sa hirit niya na makapag-piyansa sa mga kasong kinahaharap.
“Hinahamon ko ang DOJ na magpakita ng anumang nakasulat sa batas, sa Rules of Court o sa mga desisyon ng Korte Suprema na may taning ang pag-file ng bail motion habang nililitis ang kaso,” sabi nito at idinagdag, “ Malinaw ang nakasaad sa Konstitusyon at Rules of Court na pwedeng mag bail “before conviction” o bago maghatol ang korte, kapag hindi malakas ang ebidensya.”
Diin ng senador, ang dapat sagutin ng DOJ ay ang argumento sa inihain niyang mosyon na wala o walang sapat na ebidenisya laban sa kaso niyang conspiracy to commit illegal drug trading.
Ngunit, inaasahan na rin ni de Lima na hindi aamin ang prosecutors sa kanilang argumento.
“Paano nga naman magkakaroon ng matino o credible na ebidensya sa isang peke o gawa-gawang kaso na bunga ng personal vendetta at political persecution ng isang tao na siya na ngayong pinakamakapangyarihan sa buong bansa?” giit nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.