BREAKING: 4,063 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; COVID-19 cases sa bansa mahigit 93,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2020 - 04:48 PM

Muling nakapagtala ng record-high sa dagdag kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).

Sa inilabas na datos ng DOH, 4,063 na dagdag na COVID-19 cases ang naitala ngayong Biyernes (July 31).

Dahil dito, umabot na sa 93,354 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Nakapagtala naman ng 165 na dagdag na gumaling sa sakit, kaya umabot na sa 65,178 ang total number of recoveries.

Narito ang mga lugar na nakapagtala ng mataas na dagdag ng kaso:

NCR: 2,153 cases (56%)
Region 7: 558 cases (15%)
Region 4A: 492 cases (13%)

May naitala ding dagdag na 40 na nasawi sa sakit, kaya umabot na sa 2,023 ang bilang ng mga pumanaw sa bansa dahil sa COVID-19.

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, record breaking, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, record breaking, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.