Palasyo, ayaw patulan ang paninisi ng China sa Pilipinas sa isyu ng territorial dispute

By Alvin Barcelona, Kathleen Betina Aenlle February 27, 2016 - 05:19 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Walang balak Malacañang na patulan ang panibagong patutsada ng China laban sa Pilipinas kaugnay sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa harap ito paninisi ng China sa Pilipinas ang pag-init ng tensyon sa territorial dispute dahil sa pagtigil nito ng pakikipag-usap sa Beijing.

Pero sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na iginagalang nila ang proseso ng UN tribunal na siyang dumidinig sa reklamong pang-aangkin ng teritoryo na inihain ng Pilipinas laban sa China.

Dahil dito, hindi aniya tama na makipag-argumento pa sila sa kabilang partido habang hinihintay ang magiging pasya ng UN tribunal sa petisyon ng Pilipinas.

Una rito, binatikos ng foreign minister ng China na si Wang Yi ang pasya ng pamahalaang Pilipinas na i-akyat sa United Nations Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang territorial dispute sa pagitan ng dalawang bansa.

Giit ni Wang, handa naman silang makipag-negosasyon sa Pilipinas agad-agad, dahil aniya, mag-kapitbahay lang naman ang dalawang bansa na pinaghihiwalay lamang ng anyong tubig.

Nais pa aniya nilang makatulong sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Itinuturing din ng China ang ginawa ng Pilipinas na iresponsable para sa mga Pilipino at sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.