Hazard pay, promotion, regularization sa medical frontliners – Sen. Recto

By Jan Escosio July 30, 2020 - 05:27 PM

Masusuklian ang mga sakripisyo ng medical frontliners sa gitna ng kinakaharap na pandemiya kung maibibigay na ang kanilang hazard pay, promosyon at regularisasyon.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto at aniya, sa usapin ng promosyon ay maaring ‘step increase’ at pagtaas ng ‘salary grade.’

Binanggit nito na sa government pay scale at may 258 kategorya sa 33 salary grades at ang pinakamataas ay SG 33 na siyang hawak ng pangulo ng bansa.

Inihalimbawa nito na magkakaiba pa ang salary grade ng SG 15 nurses at may P33,000 kada taon na pagkakaiba mula sa pinakamababa na SG-15 (1) hanggang sa SG -15 (8).

“Maraming mga empleyado sa pamahalaan, kabilang na sa DOH hospitals, ang stranded sa kanilang salary step. They have been marooned in that category. Pandemic or not, they deserve to be bumped up the pay scale,” sabi ni Recto.

Dagdag pa nito, “meron pa bang mas meritorious sa mga health personnel na naglakad papuntang ospital, para sa isang dose oras na duty, na walang bathroom break kasi hindi pwedeng hubarin ang PPE na basang-basa sa pawis?”

Binanggit ni Recto na hanggang noong Martes, 4,691 health workers na ang tinamaan ng ‘respiratory distress kayat dapat ay bigyan sila ng ‘rank promotion.’

Aniya, kung ang national athletes ay nabibigyan ng milyon pisong reward kapag nakasungkit ng gintong medalya makatuwiran lang, diin ni Recto, na suklian ang hirap ng medical and health frontliners.

Kayat panawagan niya, “for those who have been laboring for years as casuals, reward them with regularization. If academic qualifications bar the regularization of non-medical but essential staff in hospitals, waive them.”

“Mayroon bang special forces na “job order” o SWAT na casual na isinabak natin sa giyera? But in the battle of our lives, brave ones with no job security are in the front protecting us and saving lives. At yung hazard pay, pakibigay na rin po please. Lumiit o lumaki na ang sukat ng hazmat suit, wala pa ring hazard pay,” hirit pa niya.

TAGS: COVID-19 pandemic, hazard pay for medical frontliners, Inquirer News, promotion for medical frontliners, Radyo Inquirer news, regularization for medical frontliners, Sen. Ralph Recto, COVID-19 pandemic, hazard pay for medical frontliners, Inquirer News, promotion for medical frontliners, Radyo Inquirer news, regularization for medical frontliners, Sen. Ralph Recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.