Dumating na ang 65 locally stranded individual (LSI) sa Tagbilaran Port, Bohol araw ng Huwebes, July 30.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mula sa Maynila, nakabiyahe pauwi ng Bohol ang LSIs sa pamamagitan ng BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001).
Sinalubong ang mga LSI ng frontline personnel ng PCG, Philippine Ports Authority (PPA) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa disembarkation at health protocol.
Nakahanda rin ang mga sasakyang maghahatid sa kanila sa quarantine facility para sa 14-day mandatory quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.