Mega drug rehab sa Nueva Ecija, gagamitin nang mega isolation facility para sa mga nagpositibo sa COVID-19
Puspusan na ang ginagawa ng paghahanda ng pamahalaan para gawing mega isolation facility sa mga nag positibo sa COVID-19 ang mega drug rehabilation center sa Nueva Ecija.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bubuksan na ang mega drug rehab sa mga susunod na araw.
Nangako na rin aniya si isolation czar at Public Works Secretary Mark Villar na magtatayo ng karagdagang isolation facilities dahil hindi na pinapayagan ngayon ang home quarantine ang isang pasyente kung walang sariling kwarto at banyo.
“Isolation czar has committed build more and more isolation facilities, now that we know that home quarantine should not be resorted to unless you have your own bedroom and bathroom. We are looking at the other mega isolation facility which is the facility in Nueva Ecija which used to be the drug rehab center that’s going to open soon. And we are looking at more isolation facilities even in Metro Manila,” ayon kay Roque.
Dagdag ni Roque, pinag-aaralan na rin ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega na maghanap pa ng ibang ospital para sa mga pasyente ng ng COVID-19.
Kapag aniya umabot na sa critical level ang ICU beds sa Metro Manila, maaring gamitin na rin ang mga ospital sa Regions 3 at 4-A.
“And then, we have Usec. Vega, our Treatment Czar, that will rationalize actually hospital beds and ICU beds. If the hospital beds and ICU beds in Manila are at critical level, we will tap even the bed capacity of neighboring Region III and Region IV-A to refer patients to these vacant ICU or hospital beds ‘no. So there is now a One Hospital Action Center inaugurated in MMDA which is headed by Usec. Vega,” dagdag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.