Mga nahuling lockdown violator sa Navotas, higit 6,000 na
Mahigit 50 ang nahuli pang lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa gitna ng banta ng COVID-19 sa Navotas City.
Batay sa ulat ng Navotas City Police, 57 ang nahuli sa magdamag kung saan 51 ang adult habang anim ang menor de edad.
Dahil dito, umabot na sa 6,136 ang kabuuang bilang ng lockdown violators sa nasabing lungsod hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (July 29).
Sa nasabing bilang, 5,805 ang adult habang 331 ang menor de edad.
Ayon sa Navotas City government, bagaman matatapos na ang lockdown, iiral pa rin ang 24-hour curfew sa mga menor de edad.
Mula naman 8:00 ng gabi hanggamg 5:00 ng madaling-araw ang curfew para sa mga adult.
Paalala ng Navotas LGU, bawal pa rin ang kumpulan at dapat pa ring magsuot ng face mask.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.