Nadagdagan pa nang 36 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (July 29), 2,084 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
807 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,493 ang suspected cases.
27 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 757 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nanatili naman sa 10 ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.