325 Filipino mula Singapore, nakauwi na ng bansa
Nakauwi na ng Pilipinas ang 325 na Filipino mula sa Singapore.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa tulong ng Philippine Embassy sa Singapore katuwang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa clearances, ligtas na nakabalik ang overseas Filipinos sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Lulan ng Scoot TR 1390 flight ang mga Filipino at dumating sa Maynila bandang 5:00 ng hapon, July 27.
Dahil dito, umabot na sa 1,739 ang kabuuang bilang ng repatriated Filipinos na naasiste ng embahada simula noong Abril.
Ito na ang ika-walong repatriation flight mula sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.