Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 15,600 na
Umabot na sa mahigit 15,600 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ayon sa datos ng DOH Central Visayas for Health Development, nakapagtala ng 176 na dagdag na kaso kahapon kaya umabot na sa 15,664 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,302 ang aktibong kaso habang umabot n asa 7,581 ang total recoveries.
Sa magdamag ay mayroong 237 na nadagdag sa bilang ng mga gumaling.
Umabot naman na sa 781 ang bilang ng mga nasawi sa Central Visayas dahil sa COVID-19.
Sa Cebu City umabot na sa 8,813 ang total confirmed cases.
Narito naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lugar sa rehiyon:
Mandaue City – 1,861
Lapu-Lapu City – 1,733
Cebu – 3,073
Negros Oriental – 102
Bohol – 82
Siquijor – 0
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.