Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, nadagdagan ng 30
Napaulat ang 30 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Martes ng hapon (July 28), 1,509 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 577 ang aktibong kaso.
268 ang itinuturing na probable cases habang 1,149 ang suspected cases kung saan 5,741 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng apat ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 851 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 71 na residente ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.