Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 2,048 na
Nadagdagan pa nang 11 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (July 28), 2,048 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
809 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,464 ang suspected cases.
Lima namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 730 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nanatili naman sa 10 ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.