Anim pang Filipino sa abroad, gumaling sa COVID-19 – DFA
Nasa anim ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 28, umakyat na sa 5,426 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Nasa 9,305 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 70 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,224 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Samantala, nasa 655 ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,636 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 1,091 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 705 naman ang kaso sa Americas at 873 sa Asia Pacific Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.