LSIs na magpapasaklolo sa Hatid Tulong Program ng pamahalaan dadalhin na lang sa iba’t ibang lugar para maiwasan ang siksikan
Pagbubukud-bukurin na ng gobyerno ang mga locally stranded individual na nais magpasaklolo sa Hatid Tulong Program ng pamahalaan.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, planong gawin na lang per region ang paghihiwalay sa mga LSI.
Dadalhin sila sa magkakaibang venue para maiwasan na ang kumpulan gaya ng nangyari sa Rizal Memorial Sports Complex.
Sa ngayon halos 2,000 pa na LSIs pa ang nasa Rizal Memorial Stadium at naghihintay ng kanilang tsansang makauwi sa lalawigan.
Noong Lunes ay nakapagpauwi na ng unang batch, habang kahapon naman ang 2nd batch.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.