Vice Mayor ng San Fernando, Pampanga nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo July 28, 2020 - 10:59 AM

Nagpositibo sa COVID-19 ang vice mayor ng San Fernando, Pampanga si Vice Mayor Jimmy Lazatin.

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Lazatin na sumailalim siya sa PCR Test o swab testing at positibo ang resulta.

“Kahapon po ay sumailalim ako sa PCR test o swab testing at lumabas po ang resulta ngayon. Ikinalulungkot ko po ipaalam na ako ay napositibo sa COVID 19,” ayon sa post.

Sinabi ni Lazatin na wala siyang travel history sa labas ng San Fernando sa nakalipas na 14 araw.

Sa kaniya ring pagkakatanda ay hindi siya nagkaroon ng contact sa isang COVID-19 positive patient.

Sinabi ni Lazatin na mayroon siyang sintomas na kaunting ubo.

Pero maliban doon ay mabuti naman ang kaniyang pakiramdam at siya ay naka-quarantine na.

Hinimok ni Lazatin ang mga taong kaniyang nakasalamuha mula noong Lunes, Hulyo 20, 2020 na agad makipag-ugnayan sa City Health Office o sa Vice Mayor’s Office para sila ay maisasailalim sa mandatory contact tracing at medical assessment.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, San Fernando Pampanga, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice Mayor Jimmy Lazatin, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, San Fernando Pampanga, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice Mayor Jimmy Lazatin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.