Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 16.6 million na
Umakyat na sa mahigit 16.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos, 16,629,203 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 4,432,103 na nakapatala ng mahigit 60,000 bagong kaso sa magdamag.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 23,000 dagdag na kaso habang ang India ay mahigit 46,000 ang bagong kaso sa magdamag.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 2,443,480
India – 1,482,503
Russia – 818,120
South Africa – 452,529
Mexico – 390,516
Peru – 384,797
Chile – 347,923
Spain – 325,862
UK – 300,111
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.