Tatlong volcanic earthquakes naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na magdamag
Sa nakalipas na magdamag nakapagtala ng tatlong volcanic earthquake sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.
Sa 8AM Bulusan Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong Martes July 28, pawang low frequency lamang ang mga pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala din ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes na umabot sa 50 meters ang taas.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mt. Bulusan.
Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng phreatic eruption anumang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.