Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang bahagi ng Palawan
Dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Palawan.
Sa inilabas na rainfall warning, alas 5:39 ng umaga ng Martes July 28 ay yellow warning level ang nakataas sa mga bayan Magsaysay, Cuyo at Agutaya sa nasabing lalawigan.
Ayon sa PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod pang abiso na ilalabas ng weather bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.