Pangulong Duterte, nananawagang ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection
“Talagang binababoy tayo.”
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa ilegal na kalakalan ng droga sa bansa.
Dahil dito, sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), nanawagan ang pangulo sa mga mambabatas na ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection sa mga krimen sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“I reiterate the passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” pahayag ng Punong Ehekutibo.
Makakatulong aniya ang batas para mabawasan ang kriminalidad sa bansa.
Maliban dito, sinabi rin ng pangulo maililigtas nito ang mga kabataan mula sa panganib bunsod ng ilegal na droga.
“This law will not only help us deter criminality but also save our children from the dangers caused by illegal and dangerous drugs,” dagdag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.