4 patay, 30 sugatan sa shooting incident sa Kansas
Hindi bababa sa apat ang nasawi at 30 ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa isang pabrika sa Kansas.
Ayon kay Harvey County Sheriff T. Walton, isang dating empleyado ng lawnmower factory na “Excel Industries” ang bigla na lamang namaril.
Kasama sa bilang ng nasawi ang gunman na nabaril ng mga rumespondeng otoridad.
Sa pahayag ng mga testigo, nakita ang gunman sa parking lot ng pabrika bago pumasok sa pasilidad at saka nagpaputok ng baril.
Inaalam na ng mga otoridad kung ang nagtulak sa suspek para gawin ang krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.