Plano para masugpo ang COVID-19 at maibangon ang ekonomiya nais marinig ng ilang kongresista sa SONA ng pangulo
Plano sa COVID-19 at ekonomiya ang nais na marinig ng ilang mga kongresista sa ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ayon kina House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera at Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong umaasa silang ilalatag ng pangulo ang kanyang kongkretong plano upang matugunan ang COVID-19 at maibangon ang ekonomiya ng bansa dulot ng pandemic.
Iginiit ni Herrera na nakatitiyak siya na kaisa ng pangulo ang Kamara sa pagsusulong ng mga paraan upang maprotektahan ang publiko sa COVID-19 at ang pagbabangon sa ekonomiya.
“I can safely say that Congress is one with President Duterte in pushing for measures that would protect the public from COVID-19 and resuscitate our ailing economy at the same time,” saad ni Herrera.
Kailangan ayon kay Herrera na magkasabay ang pagtataguyod sa kalusugan ng publiko at ang economic recovery sa paglaban sa covid-19 pandemic.
Sabi naman ni Ong, nais niyang marinig sa ulat sa bayan ng pangulo ang plano kung paano mapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Bukod dito, gusto rin ni Ong na marinig sa bibig ni Pangulong Duterte ang kanyang paraan para maayos ang ekonomiya ng bans ana nalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.