SONA ni Pangulong Duterte, dapat isapuso ayon sa Malakanyang
Hinihikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na tutukan ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang alas 4:00 ng hapon sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, appointment with destiny ang sona ng pangulo.
Dapat aniyang isaisip at isapuso ang SONA ng pangulo dahil ito ang pinakamahalaga sa kasayasayan lalo at nasa gitna ng pandemya ang bansa dahil sa COVID-19.
Naapektuhan aniya ng COVID-19 ang lahat ng aktibidad sa buong bansa at maging ng buong mundo.
Nakasalalay aniya ang kinabukasan ng bawat Filipino sa SONA ng pangulo.
Dapat aniyang abangan ng sambayanan kung saan dadalhin ng pangulo ang bansa sa nalalabing dalawang taong panunungkulan sa Malakanyang.
Dapat din aniyang abangan ng taong bayan kung paano babangon ang bansa matapos ang pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.