MMDA magpapakalat ng 1,000 tauhan para sa SONA sa Lunes
Higit 1,000 sa kanilang mga tauhan ang itatalaga ng MMDA sa mga pangunahing lansangan sa Quezon City para ayusin ang daloy ng trapiko at alisin ang mga sagabal kasabay nang pagbibigay ng pang-limang SONA ni Pangulong Duterte.
Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim ang mga itatalagang tauhan ay bubuuin ng traffic enforcers, Road Emergency Group personnel, Motorcycle Patrol Units at Sidewalk Clearing Operations Group.
“The MMDA is in close coordination with the Presidential Security Group, Quezon City Police District and Department of Public Order and Safety to ensure a peaceful and orderly SONA. All assigned personnel to report to their designated post as early as 4:30 am,” ayon kay Lim.
Nagtalaga din ang ahensiya ng mga alternatibong madadaanan sakaling bumigat ang lagay ng trapiko sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa Complex.
ALTERNATE ROUTES:
NORTHBOUND (Quezon Memorial Circle to Fairview): Mula Elliptical Road (QMC), dumaan sa North Avenue, Mindanao Ave., Quirino Highway, Commonwealth Ave, patungo sa destinasyon.
SOUTHBOUND (Fairview to Quezon Memorial Circle): Mula Elliptical Road (QMC), dumaan sa Commonwealth Avenue, Quirino Highway, Mindanao Avenue, North Avenue patungo sa destinasyon.
Ang mga motorista ay maari din dumaan sa:
LIGHT VEHICLES (Northbound: QMC to Fairview) via Marikina
Mula Elliptical Road (QMC), kumanan sa Maharlika, kumaliwa sa Mayaman, kumanan sa Maginhawa, kumaliwa sa C.P. Garcia, kumanan sa Katipunan Ave kumaliwa sa A. Bonifacio Ave., diretso sa Gen. Luna Ave., kumanan sa Kambal Road, kumaliwa sa GSIS Road, turn kanan sa Jones St., kanan sa Gen. Luna Ave., diretso sa A. Mabini St., kaliwa sa Rodriguez Highway kaliwa sa Payatas Road patungo sa destinasyon.
For LIGHT VEHICLES (Southbound: Fairview to QMC)
Mula Elliptical Road (QMC), kanan sa Luzon Ave., kanan sa Tandang Sora Ave., kanan sa Central Ave. patungo sa destinasyon.
LIGHT VEHICLES (QMC to Fairview)
Mula Elliptical Road (QMC), kanan sa University Ave. kanan sa C.P. Garcia Ave. kanan at U-turn sa Katipunan Ave. kanan sa Commonwealth Ave, kanan sa Maharlika, kaliwa sa Masaya, kanan sa Maginhawa, kaliwa sa Magiting, kanan sa C.P. Garcia Ave. at U- turn at kanan sa Commonwealth Ave. patungo sa destinasyon.
Magtatalaga din ng zipper lanes para sa counterflow traffic sa ilang bahagi ng Commonwealth Ave.; Quezon Memorial Circle; U.P. Techno Hub; at Tandang Sora para sa mga sasakyan na gagamit ng northbound lane.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.