Alessandra de Rossi kay Angel Locsin: Kaya mong lumipad, nag-iisa kang ganyan

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2020 - 02:23 PM

May madamdaming mensahe si Alessandra de Rossi para kay Angel Locsin.

Sa kaniyang Tweet, sinabi ni Alex na hindi kailangang tumakbong senador ni Angel gaya ng haka-haka ng ilan.

“Sabi nila, tatakbo ka daw na senador. Face with tears of joy Nyar, di kailangan. Kaya mong lumipad. Nag-iisa kang ganyan,” ani Alex.

May mga pagkakataon man aniyang nadadala sa emosyon si Angel pero normal aniya ito dahil napakalaki ng puso ng aktres.

“Minsan nadadala ng emosyon. Hello? Obvious ba? Napakalaking puso ang nasayo. Natural yun. Tao ka. Sira ulo ka. Mahal kita. Teka? May Tributed?,” ayon pa sa Tweet.

Pabiro ding sinagot ni Alex ang tweet ng isang netizen.

Aniya minsan, gusto niyang batukan si Angel dahil kung saan-saan ito nakakarating para tumulong.

Kalakip ng post ni Alex ang mga larawan ni Angel nang tumulong ito noong panahon ng ondoy, Yolanda, Marawi Siege, lindol sa Midnanao, pagputok ng Bulkang Taal at ngayong may pandemiya ng COVID-19.

 

 

 

TAGS: alessandra de rossi, Angel Locsin, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, alessandra de rossi, Angel Locsin, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.