Pagbibitiw ng isang opisyal kinumpirma ng PhilHealth

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2020 - 11:11 AM

Naglabas ng pahayag ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa napabalitang pagbibitiw ng tatlong mataas na opisyal nito.

Sa pahayag ng PhilHealth, kinumpirma nito ang pagbibitiw ni Head Executive Assistant Etrobal Laborte.

Ayon sa PhilHealth, kalagitnaan pa ng buwan ng Hulyo naghain ng kaniyang resignation ang opisyal at epektibo ang pagbibitiw sa katapusan ng Agosto 2020.

Sinabi sa pahayag na nagbitiw si Laborte para bumalik sa kaniyang pagkuha ng kursong PhD.

Pero ayon sa PhilHealth, wala pang resignation letter mula lay Atty. Thorrsson Keith.

Si Keith ang anti-legal fraud officer ng ahensya.

Sa kumalat na resignation letter ni Keith, sinabi nitong ang malawakang korapsyon sa ahensya ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw.

Binanggit din ni Keith ang hindi patas na promotion process sa PhilHealth.

Ayon sa pahayag ng PhilHealth anumang reklamo ni Keith tungkol sa isyu ng promosyon ay maaring maresolba ng grievance machinery ng ahensya.

Tiniyak ng PhilHealth sa publiko na seryoso nitong titignan ang mga alegasyon ng korapsyon.

Hihilingin din kay Keith na patunayan nito ang mga akusasyon sa pamamagitan ng tamang proseso.

“PhilHealth assures the public that it takes seriously any issue on corruption, and asks Atty. Keith to substantiate his accusations so proper procedures can be initiated,” ayon sa pahayag.

Itinanggi naman ni Corporate Legal Counsel Atty. Roberto Labe Jr., na siya ay nagbitiw sa pwesto.

 

 

TAGS: corruption, Head Executive Assistant Etrobal Laborte, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, corruption, Head Executive Assistant Etrobal Laborte, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.