Bagong Kaunlaran sa Brgy. Paso De Blas, Valenzuela isasailalim sa lockdown

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2020 - 09:16 AM

Isasailalim sa community lockdown ang Bagong Kaunlaran, Brgy. Paso De Blas sa Valenzuela City.

Ang lockdown ay iiral simula alas-12:00 ng madaling-araw ng July 25 hanggang August 9.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, umaabot sa 25 percent hanggang 50 percent ng mga residente sa lugar ang nagpositibo sa COVID-19, batay sa nagdaang round ng swab test.

Sa ilalim ng ipatutupad na community lockdown, pagbabawalan ang mga residente na lumabas at pumasok sa komunidad.

Rarasyunan naman ng pagkain at inuming tibug ang mga residente tuwing ikalimang araw.

Magbibigay din ng hygiene kits ang lokal na pamahalaan at kiddie packs.

May itatalagang medical command post para sa mga nangangailangan ng atensyong medical at “Padala Station” para naman sa mga kaanak na magdadala ng pagkain at iba pang kailangan.

 

 

TAGS: bagong kaunlaran, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, paso de blas, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Valenzuela City, bagong kaunlaran, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, paso de blas, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.