Sen. Bong Go, pinuna ang ‘overcharging’ ng mga ospital sa mga gamot

By Jan Escosio July 24, 2020 - 07:55 AM

Nanawagan si Senator Christopher Go sa Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno na tiyakin na may sapat na suplay ng mga murang gamot para sa mamamayan.

Ayon kay Go nakarating sa kanya ang mga ulat na may ospital na sobra ang singil sa kanilang mga gamot kaya’t hinihikayat niya ang mga biktima na magreklamo at panawagan niya rin sa DOH na agad mag imbestiga.

“Hindi tayo dapat pumayag na pagsamantalahan ng iilan ang sitwasyon kung saan ang mga mahihirap ay namamatay nalang dahil hindi makabili ng gamot. Dapat pantay-pantay at hindi lang ang mga may kaya sa buhay ang makakabili ng mga gamot na kailangan upang gumaling,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health.

Paliwanag nito wala nang nagagawa ang mga pasyente kundi bayaran na lang ang mga mahal na gamot.

Hinikayat niya ang pagsusuri sa listahan ng Maximum Drug Retail Price ng ilang gamot base sa Cheaper Medicines Act of 2008 at sa EO 104 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Pebrero.

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.