Ang EDSA ay laban ng ‘tama sa mali’- PNoy

By Kathleen Betina Aenlle February 26, 2016 - 03:56 AM

 

Joan Bondoc/Inquirer

Aminado si Pangulong Benigno Aquino III na hindi dapat ibunton sa anak ang kasalanan ng ama.

Ngunit iba para sa kaniya ang kaso ni Sen. Bongbong Marcos na naninindigan na wala siyang dapat ihingi ng tawad sa pagde-deklara ng martial law ng kaniyang ama at dating diktador na si Ferdinand Marcos sa kaniyang rehimen.

Nilinaw ni Pangulong Aquino na ang EDSA People Power Revolution ay hindi tungkol sa Aquinos versus Marcoses, bagkus ay ito ay tungkol sa tama laban sa mali.

Pero aniya, paano makatitiyak na hindi na uulitin ni Sen. Marcos ang ginawa ng kaniyang ama sa bansa, gayong hindi magawang tanggapin ng kanilang pamilya ang naging pagkakamali ng dating pangulo.

Ani Pangulong Aquino, sa sinabi ni Sen. Marcos na hihingi lang siya ng tawad kung alam niya ang pagkakamaling dapat ihingi niya ng tawad, naging tapat siya na handa niyang sundan ang yapak ng kaniyang ama.

Isa aniyang halimbawa ng pagkakatulad ng senador sa kaniyang ama ay ang pambu-bulilyaso niya, kasama ni Sen. Juan Ponce Enrile sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ginunita ng Pangulo na mismong ang dating Pangulong Marcos at si Enrile ay ang mga nag-sulong ng military solution na laban sa mga Moros.

Ang tinutukoy ni PNoy ay ang pangungunsinti aniya ng pang-aagaw ng mga lupain mula sa mga Moro sa Mindanao noong panahon ng diktadurya.

Kaya naman sa kaniyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng EDSA Revolution, hinimok niya ang mga mamamayan na huwag hayaang makabalik sa kapangyarihan ang mga Marcos dahil hindi aniya malayong mangyaring muli ang dahilan kung bakit nagkaroon ng rebolusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.