Pagbasa ng sakdal sa drug lord na si Amin Boratong na nasawi sa COVID-19 at apat na iba, itinakda ng korte

By Erwin Aguilon July 23, 2020 - 06:43 PM

Ipinag-utos ni Pasig Regional Trial Court Branch 167 Judge Annielyn Medes-Cabeles ang pagbasa ng sakdal sa shabu tiange operator na si Amin Imam Buratong at second wife nito.

Base sa apat na pahinang desisyon na nilagdaan ni Judge Medes-Cabeles, ibinasura nito ang inihaing Omnibus Motion to suspend warrant of arrest and/or Quash Warrant of Arrest and Suspend Further Proceedings na inihain ni Buratong, unang asawa na si Memie Sultan Buratong, Sittie Sultan Saripada at Enonay Pitiiilan Sultan dahil sa lack of merit.

Kasama rin sa babasahan ng sakdal sa July 27 ganap na 8:30 ng umaga ang second wife ni Boratong na si Sheryl M. Buratong na kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institution for Women.

Babasahan ng sakdal ang mga ito para sa kasong paglaban sa Anti-Money Laundering Act may kaugnayan sa nabistong shabu tiange sa Pasig City.

Si Amin Buratong ay nauna nang iniulat ng Bureau of Corrections na nasawi dahil sa COVID-19.

TAGS: Amin Imam Buratong, anti money laundering act, Inquirer News, Judge Annielyn Medes-Cabeles, Pasig Regional Trial Court Branch 167, Radyo Inquirer news, shabu tiange operator, Amin Imam Buratong, anti money laundering act, Inquirer News, Judge Annielyn Medes-Cabeles, Pasig Regional Trial Court Branch 167, Radyo Inquirer news, shabu tiange operator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.