Nasa 27 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 23, umakyat na sa 9,192 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 69 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,167 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,378 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nanatili naman sa 647 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,610 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,089 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 701 naman ang kaso sa Americas at 792 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.