Charter Change, hindi tinatalakay ni Pangulong Duterte sa IATF meeting – Palasyo
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi tinatalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases meeting ang usapin sa Charter Change.
Ayon kay Cabinet Secretary at IATF co-chairperson Karlo Alexi Nograles, nasa kamay ng Kongreso ang Chacha.
“Hindi namin pinaguusapan sa IATF yung tungkol sa charter change. Dahil alam naman po namin that’s really within the realm of Congress. So sa IATF, hindi po namin pinaguusapan yan,” pahayag ni Nograles.
Wala aniyang binabanggit ang Pangulo sa IATF meeting na baguhin ang kasalukuyang porma ng gobyerno.
“Wala namang binabanggit si Pangulo regarding charter change. It’s not something that he’s talked about or spoken to anyone of us about,” pahayag ni Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.