3 arestado sa buy-bust sa QC; P120K na halaga ng marijuana ang nakumpiska

By Dona Dominguez-Cargullo July 23, 2020 - 10:29 AM

Arestado ng mga tauhan ng Quezon City Police Disrict ang tatlong suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy Immaculate Conception.

Unang nakatanggap ng intelligence information mula sa isang confidential informant ang mga tauhan ng QCPD Station 10 tungkol sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Matapos ang isinagawang surveillance nagkasa na ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit katuwang ang mga tauhan ng PDEA NCR Monte De Piedad St. malapit sa Lantana St. sa nabanggit na barangay.

Nadakip ang mga suspek na sina Noriel Longabela, 20 anyos; Ray Leonard Balasbas, 26 anyos at Peejay Florendo, 26 anyos.

Nakumpiska sa kanila ang isang brick ng dried marijuana leaves isang mallit na transparent ziplock na mayroong high grade dried marijuana leaves, at buy-bust money.

Aabot sa isang kilo ang bigat ng mga nakumpiskang marijuana na mayroong DDB value na P120,000.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Resisting Arrest.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.