Pagbubukas ng klase iminungkahing gawin sa Oktubre o Setyembre

By Erwin Aguilon July 23, 2020 - 09:37 AM

Iminungkahi ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa Department of Education (DepEd) na gawin sa Setyembre o Oktubre ang pagbubukas ng klase sa halip na sa darating na Agosto.

Ayon sa Ong, isa sa mga may-akda ng Republic Act 11480 na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo ng bansa na i-reschedule o ilipat ang petsa ng pasukan kapag nasa state of emergency o calamity ang bansa, kailang maging handa ang mga educational institutions na makapagsagawa ng klase sa ilalim ng bagong approach na ‘blended learning’.

Ngayon anyang napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas ay may opsyon na ang kagawaran para buksan ang klase sa ibang buwan.

Paliwanag ni Ong, ginawa nila ang batas upang hindi na ma-pressure ang DepEd sa pagbubukas ng klase gayong halata namang hindi talaga handa ang kagawaran para sa bagong sistema ng edukasyon ngayong may pandemic.

Kailangan anyang maging handa rin ang mga guro sa pamamagitan ng training at maging kabisado ng mga ito ang bagong at maka-adapt sa new normal ng pagtuturo na blended learning.

Sa ilalim anya ng RA 11480, may pagkakataon na ang DepEd na maghanda at gamitin ang panahon para matiyak na walang estudyante ang maiiwan sa bagong sistema ng pagtuturo.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Opening of Classes, Radyo Inquirer, Republic Act 11480, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Opening of Classes, Radyo Inquirer, Republic Act 11480, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.