12 volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo July 23, 2020 - 08:22 AM

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng labinglimang volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.

Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong araw (July 23), nakapagtala din ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes na umabot sa 300 meters ang taas.

Noong July 18 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 583 tonnes/day.

Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng biglaang phreatic eruption.

 

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Mt Kanlaon, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, volcanic earthquake, Volcano Bulletin, Inquirer News, Mt Kanlaon, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, volcanic earthquake, Volcano Bulletin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.